Monday, January 10, 2011

Thoughts on Blogging


Eto na naman ako, nangangahas na namang mag set-up ng isang BLOG, at take note, hindi lang basta Blog ang gusto kong gawain ngayon, kundi isang (drum roll please!!!) : TRAVEL Blog! yeheey! My apologies, kasi hindi masyadong grammar sensitive ang online travel diary ko na ito. Basta gusto ko lang ilabas lahat ng gusto kong sabihin sa world wide web. Nais kong ikwento ang mga karanasan ko  habang nakasukbit sa aking likuran ang aking bag, hawak sa isang kamay ang kamera at sa kabila ang aking notebook (kwaderno) at panulat (ballpointpen).

Sa totoo lang napaka dalas kong sumubok na gumawa ng Blog, pero sa simula lang ako kalaunan ay tinatamad na namana ako. Pero dahil 2011 na (ano ang connect? hehehe) ay pipilitin kong makatagpos at itaguyod ang online memory stash na ito.

Ano ang aasahan ng mga future readers ko sa Blog na ito?

Malamang yun ang magiging tanong ng mga makakaalam na may Blog (na naman) na ginagawa si Darren, hmm, ano na naman kaya ang laman nun? may pakinabang kaya un? 

Sa kaalaman po ng lahat ay ilalathala ko ang aking mga naging karanasan sa mga nakalipas kong paglalakbay sa Pilipinas at karatig lupain (wOw!) hehehe, pipilitin kong alalahanin ang mga detalye ng aking paglilibot at pagiikot para naman makatulong sa mga nagbabalak pa lamang na puntahan ang mga lugar na akin ng na explore. 

Salamat talaga sa mga mararangal na Pinoy Travel Bloggers/BackPackers na nakalista ngayon sa aking BlogRoll. Sila kasi ang dahilan kung bakit ako nainspired na naman na idokumento ang lahat ng aking trips! Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama habang binabasa't sinisilayan ko ang mga blog posts ng mga iniidolo kong travel bloggers. Sino nga ba naman ang hindi nangangarap na bisitahin at libutin ang 17 rehiyon at 81 lalawigan ng ating bansang Pilipinas? Sa pamamagitan kasi ng mga tsismoso't tsismosang bloggers napupuntahan natin ang mga kakaiba at kaibig-ibig na mga tanawin sa bansa ng LIBRE! 

Maraming Salamat sa makakabasa ng unang Blog entry ko na to! Sana ay subaybayan nyo ang aking mga kwento mula sa pagsakay sa Tricycle paalis ng bahay hanggang sa pagbili ng pasalubong pauwi. :) 

MABUHAY ANG MGA BIYAHERONG PINOY! 


Tara na samahan nyo akong mag LAKBAY NOYPI!

6 comments:

  1. Hey. Welcome to the world of travel blogging. Nice to know that someone from Cabanatuan is doing this 'coz I thought I was the only one travel-blogging from that place.

    Enjoy your trip :)

    ReplyDelete
  2. Thanks po! I'm still studying so I don't have the resources yet to travel the 81 provinces of the country (soon) hehehe. I'm planning to do a "Travel Cabanatuan Series" to promote our local tourism and what our city can offer aside from Garlic Longanissa :). Keep Blogging the best of the Philippines Sir. Nakaka inspire kayong mga Travel Bloggers!

    ReplyDelete
  3. Cge Darren, susundan ko ang iyong blog.. Naway maging matagumpay ka gaya ni Ivan Henares..

    ReplyDelete
  4. hahaha, Salamat Hunter! Yeah! ASTIG si Ivan Henares, paulit-ulit ng iniikot ang Pilipinas! Un ang pangarap ko eh. Ang sarap lakbayin ng Pilipinas! hinahalungkat ko pa ang mga pictures sa baul ng harddisk ko hehehe.

    ReplyDelete
  5. Harinawang makarating ka sa iyong mga lugar na gustong patunguhan ngunit hwag kalilimutang lumingon sa pinanggalingan.

    Isang makabuluhang paglalakbay sa buhay!!

    ReplyDelete
  6. Yeheey! Salamat Mam Jo! sana dalasan nyo ang pag bisita sa travel blog ko na ito. hehehe :) Yes naman po, kahit mapuntahan ko na ang 81 provinces ng Pilipinas ganun pa din ako - GAGO pa din hehehe :)Salamat po ulit sa pag comment.

    ReplyDelete